Friday, February 27, 2009
Kare - Kare
Mga Sangkap:
1 1/2 tasang buntot ng baka, hiniwa ayon sa gustong laki
1 1/2 tasang tuwalya ng baka, hiniwa ayon sa gustong laki
1 kutsaritang asin
6 tasang puso ng saging, hiniwang pahilis, 1/2 pulgada ang haba
3 tasang talong, hiniwang pahilis, 1 pulgada ang haba
1 tasang sitaw, 1 pulgada ang haba
3/4 tasang peanut butter
1 suppot kare-kare mix
1/2 tasa bagong alamang
Paraan ng pagluto:
1. Palambutin ang buntot at tuwalya ng baka sa 1 kutsaritang asin,
palambutin, tapos mag tabi ng 3 tasa ng sabaw.
2. Unahing idagdag ang puso ng saging. kapag medyo luto na ay isunod
ang talong. Ihuli ang sitaw. Pakuluan ang mga gulay hanggang maluto.
3. Timplahan ng kare-kare mix. Haluing mabuti.
4. Idagdag ang peanut butter at pakuluan ng 2 minutes hanggang lumapot.
5. Ihain kasama ang ginisang bagoong na alamang.
Enjoy your meal!
Beef Stew
Mga Sangkap:
1 Kilo baka, hiniwa ng tig 1 1/2 pulgada
4 pirasong bacon
4 ulo ng bawang, pinitpit
1 sibuyas, tinadtad
3 siling pula at berde, hiniwa ng pahaba
4-5 patatas, hiniwa sa apat na bahagi at bahagyang prinito
1 maliit na lata ng tomato paste
2 carrots, hiniwa ng pakuwadrado
1 dahon ng laurel
1 1/2 tasang tubig
Paraan ng Pagluto:
1. Prituhin ang bacon at itabi.
2. Sa parehong kawali, igisa ang bawang
3. Idagdag ang karne at papulahin.
4. Isama ang sibuyas at tomato paste.
5. Haluin at pakuluin nang 5 minutes.
6. Idagdag ang tubig, laurel at timplahan ng asin at betsin.
7. Pakuluan hanggang lumambot ang karne.
8. Dagdagan ng Kaunting tubig kapag medyo natutuyuan.
9. Kapag malapit nang maluto, idagdag ang siling pula at berde,
carrots at prinitong patatas.
10. Lutuin ng 10 minutes at palamutian ng bacon sa ibabaw.
Enjoy!