Thursday, May 14, 2009

Spaghetti Carbonara

Photobucket

Sangkap:

1/2 kilo Spaghetti
1 sibuyas, hiniwang pino
1 luya, hiniwang pino
bawang, tinadtad
butter
1/4 kilo bacon, hiniwang maliliit
1/4 kilo hotdog, hiniwang maliliit
1 maliit na lata ng button mushroom, hiniwa-hiwa
2 maliit na lata ng sabaw ng mushroom
2 malaking lata ng gatas na ebaporada
1 kutsaritang pamintang puti
1 tasang keso, ginadgad
asin
tubig

Paraan ng pagluto:

1. Tunawin ang butter sa isang kawali.
2. Prituhin ang bacon at hotdog. Idagdag ang bawang,
Sibuyas at luya.
3. Idagdag ang button mushroom, sabaw ng mushroom at gatas.
4.Haluing mabuti at timplahan ng asin at paminta.
5. Takpan at pakuluan ng 15 minutes hanggang lumapot ang sabaw.
6. Timplahan ng asin, at paminta. itabi.
7. Sa isang kaserola, lutuin ang spaghetti noodles.
Salain.
8. Ilagay ang noodle sa isang plato at ibuhos ang sauce sa ibabaw.
Lagyan ng ginadgad na keso sa ibabaw nito.

3 comments:

  1. sa wakas..!!!! makakapag luto ako ng Spaghetti Carbonara...!!! sana magustuhan ng pamilya ko ang lasa.., may kapalit na kami sa palaging paggamit ng spaghetti sauce.. sa pag Celebrate namin ng Father's Day, magiging masarap ang bonding namin ng tatay ko... Salamat at nakakuha ako ng Recipe... Salamat...!!!!!!

    ReplyDelete
  2. salamat sa carbonara sauce

    ReplyDelete
  3. Tanong ko po ilang kilo po ang dapat sa pang 20 persons po ang carbonara?

    ReplyDelete