Monday, March 23, 2009

Ensaladang Talong

Photobucket

Sangkap:

3 Talong
2 Kamatis
Sibuyas
Sukang Puti
Pamintang durog
2 siling pangsigang, hiwa-hiwa

Paraang ng Pagluto:

1. Ihawin ang talong.
2. Palamigan at balatan. Ilagay ang talong
sa isang mangkok.
3. Hiwa-hiwain ang 2 kamatis at sibuyas.
4. Timplahan ng kaunting sukang puti
at pamintang duro at siling pangsigang.

Pinakbet

Photobucket

Sangkap:

1 tasang kalabasa, hiwa-hiwa
1 ampalaya, katamtaman ang laki
3 kutsarang bagoong alamang
2 puswelong sabaw-sinaing
6 okra
2 talong,hiniwa
10 pirasong sitaw
3 pirasong kamatis
1 sibuyas

Paraan ng pagluto:

1. Ilagay ang sabaw-sinaing sa kaldero. ihulog dito
ang sibuyas at kamatis na malaki ang hiwa.
Timplahan ng alamang. Pakuluin.
2. Ihulog sa kumukulong sabaw ang kalabasa.
Isunod ang sitaw. Magkasabay ng ihulog ang
ampalaya, talong at okra.
3. Takpan at hayaan kumulo hanggang maluto
ang mga gulay.

Tuesday, March 17, 2009

Tahong or Halaan

Photobucket

Sangkap:

1 kilong tahong
1 katamtaman laki ng luya, hiniwa
ng maliliit at pahaba
1 sibuyas, hiniwa
talbos ng kamote
pamintang durog
asin

Paraan ng pagluto:

1. Pakuluan ang tahong o halaan sa tubig. huwag
alisin ang shell nito.
2. Idagdag ang luya at sibuyas.
3. Kapag bumuka na ang tahong, idagdag ang
talbos ng kamote.
4. Pakuluaan ng 3 minutes at timplahan ng
paminta at asin.

Calamares

Photobucket

Sangkap:

1 kilong pusit
1 kutsaritang asin
1 kutsaritang pamintang durog
1 kutsaritang betsin
2 itlog
1 tasang harina
2/3 tasang tubig
1 maliit na sibuyas, tinadtad
1 ulo ng bawang, tinadtad
mantika, pamprito

Paraan ng pagluto:

1. Linisin ang pusit at hiwain ng pahalang.
2. Timplahan ng asin, paminta at betsin. itabi.
3. Sa isang mangkok, batiit ang itlog. Idagdag ang
harina at tubig hanggang malusaw ang harina.
4. Ilagay ang sibuyas at bawang.
5. Isawsaw ang pusit sa pinaghalong sangkap at prituhin.

Camaron Rebosado

Photobucket

Sangkap:

16 pirasong hipon
3-4 na pirasong itlog, binati
3 na kutsarang harina
6 na kutsarang katas ng kalamansi
mantika
asin

Paraan ng Pag luto:

1. Linisin at balatan ang hipon. Iwanan ang buntot nito.
2. Asinan at ibabad sa katas ng kalamansi nang ilang minuto.
3. Isawsaw ang hipon sa harina at itlog at prituhin.

Tuesday, March 10, 2009

Kinilaw na Tanigue

Photobucket

Mga Sangkap:

80 grams tanigue fillet
150ml suka para panghilamos sa isda
1 1/4 kutsarang suka
1 pc. kalamansi
1/2 kutsarang asukal
6 grams sibuyas, hiniwa
1pc siling labuyo, putulin sa dalawa
8 grams pipino, hiniwa
1 gram sibuyas na mura, chop
3 grams luya, hiniwa
10 grams letsugas, nilinis
paminta
asin

Paraan ng pagluto:

1. Hilamusan ng suka ang isda. Patuluin.
2. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap sa isang bowl,
maliban sa letsugas.
3. Palamigan sa refrigerator para mababad.
4. Lagyan ng letsugas ang bandehadong paglalagyan
ng isda at ilagay ang tinimplang kinilaw.

Lapu - Lapu na may Oyster Sauce

Photobucket

Mga Sangkap:

1 kilong lapu-lapu, inalisan ng tinik
at hiniwa-hiwa
1 kutsarang vegetable oil
1 ulo ng bawang, tinadtad
1 kutsarang oyster sauce
1 kutsarang sesame oil
2 siling pula o berde, hiniwa nang pakuwadrado
2 carrots, hiniwa-hiwa
2 tangkay ng celery, hiniwa-hiwa
1 sibuyas, hiniwa nang pakuwadrado
1 kutsaritang betsin

Paraan ng pagluto:

1. Pasingawan ang isda ng 5 minutes sa steamer at itabi.
2. Igisa ang bawang gamit ang vegetable oil.
3. Idagdag ang oyster sauce, sesame oil, siling pula o berde,
carrots, celery at sibuyas. Pakuluan.
4. Isama ang isda at timplahan ng betsin.