Wednesday, April 22, 2009

Pork Asado

Photobucket

Sangkap:

1/2 kilo karne ng baboy (hiniwang pakuwadrado)
1/2 kutsarita asin
1 kutsara cornstarch
1 tasa tubig
1 lata (234 gms) pina chunks (pinatulo)
1 tasa pineapple syrup
1/2 tasa singkamas (hiniwang pakuwadrado)
1/2 tasa frozen green peas
3 kutsarita toyo
2 kutsara asukal

Paraan ng pagluto:

1. Ihalo ang asin sa karne at isunod ang cornstarch.
2. Iprito ang karne at alisin sa kawali ang sobrang
mantika kapag luto na.
3. Ilagay sa kawali ang pritong karne at ang iba pang mga
sangkap maliban sa pina chunks.
4. Kapag luto na ang lahat ng sangkap ihalo ang
pina chunks at pakuluan ng 3 minutes.

Beef and Brocolli

Beef and Brocolli
(Filipino Style)

Photobucket

Sangkap:

1/2 kilo lomo ng baka (hiniwang manipis)
1 kilo brocolli (hiwain ayon sa gusto ng laki)
2 kutsara oyster sauce
1 kutsara mantikilya (butter)
3 butil bawang (dinikdik)
1 sibuyas (hiniwang pino)
1 tasa tubig (haluan ng 2 kutsara cornstarch)

Paraan ng pagluto:

1. Igisa ang bawang, sibuyas at baka.
Lagyan ng kaunting tubig, takpan at
palambutin sa mahinang apoy.

2. Kapag malambot na ang baka ay ihalo
ang oyster sauce, mantikilya at 1
tasa ng tubig na may cornstarch. Haluing
mabuti hanggang maging malinaw at malapot
ang sabaw.

3. Ihalo ang brocolli at ahunin.

Saturday, April 11, 2009

Chopsuey

Photobucket

Sangkap:

1/4 kilo na hipon, binalatan
1 katamtamang laki ng carrot,
hiniwang ng pabilog
1/4 kilo na repolyo, hiniwa ng pakuwadrado
1/4 cauliflower, pinaghiwa-hiwalay
1/4 sitsaro
1 pirasong siling pula or berde, hiniwa
nang pahaba
2 pirasong sibuyas, hiniwa sa apat ng bahagi
3 pirasong ulo ng bawang, pinitpit
2 stalks leeks, hiniwa ng 2 pulgada
2 stalks celery, hiniwa ng 1pulgada pahaba
1/4 kilo ng atay ng manok
2 tasang tubig
12 pirasong itlog ngp pugo, nilaga at binalatan
1 kutsarang gaw-gaw, tinunaw
mantika, panggisa
patis, panimpla

Paraan ng pagluto:

1. Igisa ang bawang at sibuyas
2. Ihalo ang hipon at atay ng manok.
3. Igisa nang 2 minuto at patisan.
4. Pagkalipas ng 3 minuto ibuhos ang 1/2
tasang tubig at timplahan. takpan.
5. Ihalo ang lahat nang gulay at iluto nang
malasado.
6. Idagdag ang itlog ng pugo at ang nilusaw na
gawgaw upang lumapot ang sabaw.

Adobong Kangkong

Photobucket

Sangkap:

1 tasang suka
4 ulo ng bawang, dinikdik
1 kutsarang pamintang durog
1 kilong kangkong
1 katamtamang sibuyas, hiniwa
3 kutsara tuyo
1 tasa panahog na baboy, hiniwa
1 tasang tubig
asin

Paraan ng pagluto:

1. Hugasan at patuluin ang kangkong.
2. Igisa ang bawang, sibuyas, paminta at panahog
na baboy hanggang pumula.
3. Dagdagan ng tubig at pakuluan hanggang lumambot
ang panahog.
4. Idagdag ang kangkong at toyo. Ihalo ang suka
kapag luto na ang kangkong.

Laing

Photobucket

Sangkap:

40 Dahon ng gabi, hiniwa
1 gram baboy, hiniwa
1 gram hipon, hiniwa
1 kutsaritang luya, hiniwa ng pino
siling labuyo ayos sa gustong anghang
2 kutsarang bagoong
3 tasang coconut milk
1/2 tubig

Paraan ng Pagluto:

1. Ilagay sa kaserola ang mga dahon ng gabi. Idagdag ang
baboy, hipon, gata at tubig sa ibabaw nito at hayaang
kumulo hanggang lumambot.

2. Dagdagan ng siling labuyo at haluing mabuti.