Monday, March 23, 2009

Ensaladang Talong

Photobucket

Sangkap:

3 Talong
2 Kamatis
Sibuyas
Sukang Puti
Pamintang durog
2 siling pangsigang, hiwa-hiwa

Paraang ng Pagluto:

1. Ihawin ang talong.
2. Palamigan at balatan. Ilagay ang talong
sa isang mangkok.
3. Hiwa-hiwain ang 2 kamatis at sibuyas.
4. Timplahan ng kaunting sukang puti
at pamintang duro at siling pangsigang.

Pinakbet

Photobucket

Sangkap:

1 tasang kalabasa, hiwa-hiwa
1 ampalaya, katamtaman ang laki
3 kutsarang bagoong alamang
2 puswelong sabaw-sinaing
6 okra
2 talong,hiniwa
10 pirasong sitaw
3 pirasong kamatis
1 sibuyas

Paraan ng pagluto:

1. Ilagay ang sabaw-sinaing sa kaldero. ihulog dito
ang sibuyas at kamatis na malaki ang hiwa.
Timplahan ng alamang. Pakuluin.
2. Ihulog sa kumukulong sabaw ang kalabasa.
Isunod ang sitaw. Magkasabay ng ihulog ang
ampalaya, talong at okra.
3. Takpan at hayaan kumulo hanggang maluto
ang mga gulay.

Tuesday, March 17, 2009

Tahong or Halaan

Photobucket

Sangkap:

1 kilong tahong
1 katamtaman laki ng luya, hiniwa
ng maliliit at pahaba
1 sibuyas, hiniwa
talbos ng kamote
pamintang durog
asin

Paraan ng pagluto:

1. Pakuluan ang tahong o halaan sa tubig. huwag
alisin ang shell nito.
2. Idagdag ang luya at sibuyas.
3. Kapag bumuka na ang tahong, idagdag ang
talbos ng kamote.
4. Pakuluaan ng 3 minutes at timplahan ng
paminta at asin.

Calamares

Photobucket

Sangkap:

1 kilong pusit
1 kutsaritang asin
1 kutsaritang pamintang durog
1 kutsaritang betsin
2 itlog
1 tasang harina
2/3 tasang tubig
1 maliit na sibuyas, tinadtad
1 ulo ng bawang, tinadtad
mantika, pamprito

Paraan ng pagluto:

1. Linisin ang pusit at hiwain ng pahalang.
2. Timplahan ng asin, paminta at betsin. itabi.
3. Sa isang mangkok, batiit ang itlog. Idagdag ang
harina at tubig hanggang malusaw ang harina.
4. Ilagay ang sibuyas at bawang.
5. Isawsaw ang pusit sa pinaghalong sangkap at prituhin.

Camaron Rebosado

Photobucket

Sangkap:

16 pirasong hipon
3-4 na pirasong itlog, binati
3 na kutsarang harina
6 na kutsarang katas ng kalamansi
mantika
asin

Paraan ng Pag luto:

1. Linisin at balatan ang hipon. Iwanan ang buntot nito.
2. Asinan at ibabad sa katas ng kalamansi nang ilang minuto.
3. Isawsaw ang hipon sa harina at itlog at prituhin.

Tuesday, March 10, 2009

Kinilaw na Tanigue

Photobucket

Mga Sangkap:

80 grams tanigue fillet
150ml suka para panghilamos sa isda
1 1/4 kutsarang suka
1 pc. kalamansi
1/2 kutsarang asukal
6 grams sibuyas, hiniwa
1pc siling labuyo, putulin sa dalawa
8 grams pipino, hiniwa
1 gram sibuyas na mura, chop
3 grams luya, hiniwa
10 grams letsugas, nilinis
paminta
asin

Paraan ng pagluto:

1. Hilamusan ng suka ang isda. Patuluin.
2. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap sa isang bowl,
maliban sa letsugas.
3. Palamigan sa refrigerator para mababad.
4. Lagyan ng letsugas ang bandehadong paglalagyan
ng isda at ilagay ang tinimplang kinilaw.

Lapu - Lapu na may Oyster Sauce

Photobucket

Mga Sangkap:

1 kilong lapu-lapu, inalisan ng tinik
at hiniwa-hiwa
1 kutsarang vegetable oil
1 ulo ng bawang, tinadtad
1 kutsarang oyster sauce
1 kutsarang sesame oil
2 siling pula o berde, hiniwa nang pakuwadrado
2 carrots, hiniwa-hiwa
2 tangkay ng celery, hiniwa-hiwa
1 sibuyas, hiniwa nang pakuwadrado
1 kutsaritang betsin

Paraan ng pagluto:

1. Pasingawan ang isda ng 5 minutes sa steamer at itabi.
2. Igisa ang bawang gamit ang vegetable oil.
3. Idagdag ang oyster sauce, sesame oil, siling pula o berde,
carrots, celery at sibuyas. Pakuluan.
4. Isama ang isda at timplahan ng betsin.

Pritong Manok

Photobucket

Mga Sangkap:

1/2 kilo ng manok, hiniwa ayon sa gustong laki
3 tasa ng tubig
1 itlog, binati
1 tasang harina
3 pirasong kalamansi
2 kutsarang patis
1/8 kutsaritang paminta, durog

Paraan ng pagluto:

1. Pag sama-samahin ang katas ng kalamansi, patis
at manok. pakuluan ng 5-7 minutes.
2. Ilagay sa isang malaking container at budburan ng paminta.
3. Magtimpla ng itlog at harina. Ilubog dito ang mga piraso
ng manok.
4. Iprito ng nakalubog sa mantika.

Chicken Afritada

Photobucket

Mga Sangkap:

1 kilong manok, hiniwa sa katamtamang laki
3 pcs patatas, hiniwa ng pakuwadrado
1 sibuyas
1 ulo ng bawang
1 pirasong siling pula, hiniwa ng pahaba
2 dahon ng laurel
2 kutsarang suka
asin
paminta
1 cup tomato sauce

Paraan ng Pag luto:

1. Prituhin ang manok hanggang mamula ng bahagya.
2. Ilagay sa isang tabi. Mag gisa ng bawang, sibuyas.
3. ilagay ang tomato sauce
4. Idagdag ang manok, suka at laurel.
5. Pakuluin hanggang lumambot ang manok.
6. Ihalo ang patatas.
7. Idagdag ang siling pula at berde sa huli.
8. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.

Monday, March 2, 2009

Tinolang Manok

Photobucket

Sangkap:

3pitso ng manok, hiniwa ayon sa gustong laki
2 kutsarang mantika
2 kutsarang luya, hiniwang pahaba
1 ulo ng bawang, dinikdik
1 katamtamang sibuyas, hiniwa
2 kutsarang patis... 1 kutsarang asin or
1 chicken brothcubes.
katamtamang dahon ng malungay
5 tasang tubig
2 tasang hilaw na papaya o sayote, hiniwang
pakudrado

Paraan ng pagluto:

1. Mag pakulo ng mantika sa isang kaserola sa
katamtamang init. igisa ang luya, bawang, sibuya
sa loob ng 1 minuto.
2. Idagdag ang manok at gisahin hanggang maging
mamula-mula. timplahan ng patis at asin o chicken cubes.
3. Dagdagan ng tubig. pakuluan ito sa mahinang apoy at
hayaang kumolo-kulo sa loob ng 30 minuto o
hanggang lumambot ang manok.
4. Idagdag ang papaya o sayote, iluto ng 5minuto o
hanggang lumambot ang papaya o sayote.
5. Takpan ang kaserola at alisin sa apoy.

Lumpiang Shanghai

Photobucket

Sangkap:

1 tasang giniling na baboy
1 tasang hipon, binalatan at hiniwa
ng manipis
2 dahon ng sibuyas, tinadtad
1 kutsaritang asin
1 kutsaritang paminta
1 itlog
1 pakete na lumpia wrapper
mantika pamprito (cooking oil)

Paraan ng pagluto:

1. Sa isang lalagyanan, paghaluin ang baboy,
at lahat ng sangkap
2. Maglagay ng pinaghalong sangkap sa lumpia
wrapper at i-roll sa pamamagitan ng kaunting tubig.
3. Prituhin sa katamtamang apoy.

Paksiw na Lechon

Photobucket

Sankap:

1 kilo lechon na baboy
1 latang liver spread o mang tomas
1 tasang suka
1/2 tasang asukal
1 kutsarang asin
1 kutsarang pamintang buo
4 na ulo ng bawang, dinikdik
1/2 tasang tuyong oregano
1 tasang tubig

Paraan ng pagluto:

1. Ilagay ang hiniwang lechon na baboy sa isang kawali
at isama ang lahat ng sangkap.
2. Pakuluan
3. Hinaan ang apoy hanggang lumambot ang baboy
at lumapot ang sarsa.

Tocino

Photobucket

Sangkap:

1 kilo pork
6 kutsarang asin
1/2 tasang asukal
1 kutsarang red food coloring(maaring huwag na isama)

Paraan ng pagluto:

1. Hiwain ng minipis ang pork o karne.
2. Idagdag ang asin at asukal at lamasing mabuti.
3. Ihalo ang red food coloring.
4. Ilagay sa isang lalagyan na may takip at itago
nang mag damag sa ref.
5. Iluto sa isang kawaling may kaunting mantika at
sa mahinang apoy. maari ring pakuluaan muna sa
kaunting tubig ang tocino bago prituhin.

Menudo

Photobucket

Sangkap:

1/2 kilo laman ng baboy, hiniwang pakudrado
1 tasang atay, hiniwang pakudrado
2 kutsarang mantika
1 kutsarang bawang, dinikdik
1 pirasong sibuyas, hiniwang manipis
2 pirasong dahon ng laurel
1 tasang patatas, hiniwang pakudrado
1 tasang carrots, hiniwang pakudrado
1 tasa tubig
asin at paminta

Paraan ng pagluto:

1. Igisa ang bawang, sibuyas,paminta at karne ng baboy
hanggang lumambot.
2. idagdag ang dahon ng laurel at tomato sauce,
pasingawan ng 5 minuto.
3. Idagdag ang patatas, carrots, atay at 1 tasa ng tubig.
4. Pakuluan hanggang maluto ang mga patatas, carrots.
lagyan ng asin ayon sa panlasa.

Pork Adobo

Photobucket

Sangkap:

1 kilo karne ng baboy, hiniwang pakudrado
1/2 tasang toyo
5 to 6 butil ng bawang dinikdik
1/2 tasang suka
2 kutsarang oyster sauce
1 kutsarang paminta

Paraan ng pagluto:

1. Pagsama-samahin sa isang kaserola ang karne
kasama ang iba pang mga sangkap at ibabad ng 20-30 minutes.
2. Iluto sa mahinang apoy ng 45 minutes o hanggang lumambot ang karne.
Haluin paminsan-minsan.

Pork Barbeque

Photobucket

Sangkap:

1/2 kilo pork
1/4 tasang toyo
5 ulo ng bawang (dinikdik)
2 kutsarang asukal na pula
2 kutsarang sukang puti
1/4 tasang tomato catsup.

Paraan ng pagluto:

1. Hiwain ang pork ng pahaba.
2. Ihalo ang toyo, bawang, suka at asukal.
3. Ibabad at ilagay sa ref nang magdamag or
kahit kalahating araw.
4. Tusukin ng bbq stick ang pork.
5. Ihawin.
6. Habang iniihaw, pahiran ito ng pinagbabaran
na nilagyan ng catsup.

Crispy Pata

Photobucket

Sangkap:

1 1/2 Pata
1 kutsaritang asin
1/2 kutsaritang durog na paminta
1/4 kutsaritang betsin
mantika

Paraan ng pagluto:

1. Ilagay sa isang malaking kaserola ang pata.
hayaang nakalubog sa tubig. pukuluan.
2. Timplahan ng asin, paminta at betsin. takpang
mabuti ang kaserola, hinaan ang apoy at hayaang
kumulo hanggang lumambot ang karne.
patuluin ang karne.
3. Magpainit ng mantika sa isang malaking kawali hanggang
halos umusok ito sa init. Ilubog sa mantika ang pata hanggang
mamula ang bala at lumutong.

Beef Steak

Photobucket

Sangkap:

100ml mantika
200grams atsara
200grams letsugas
720grams karneng baka (Lomo)
50grams bawang (dinikdik)
200grams sibuyas hiniwang pabilog
150ml toyo
200grams katas ng kalamansi
2grams paminta

Paraan ng pagluto:

1. Ibabad ang karneng baka sa dinurog na bawag, toyo
at katas ng kalansi.
2. Iprito ng katamtaman ang karneng baka bago hanguin
sa kawali.
3. Igisa ang sibuyas ng malasado.
4. Idagdag ang toyo at katas ng kalamansi sa
sibuyas at pakuluin hanggang lumapot.
5. Iayos ang prinitong karneng baka sa bandehado.
7. Ihain ng may atsara. (if you want).

Beef Tapa

Photobucket

Mga Sangkap:

1 kilo baka (piliin ang parte na pang tapa)
1/4 tasang toyo
1/4 tasang 7-up o sprite
3 kutsarang katas ng kalamansi
pamintang durog
asin (salt)

Paraan ng pagluto:

1. Hiwain nang manipis ang beef.
2. Sa isang plastik na lalagyan, paghaluin ang baka
at ang lahat ng sangkap at ibabad ng 1 o 2 araw.
3. Iprito ang beef sa kaunting mantika na may mahinang apoy.
4. serve.